Mas pinadali pa ngayon ang buhay ng mga mahihilig mamili sa pamamagitan ng online shopping. Gamit lang ang smart phone, ma-o-order na ang mga gustong bilhin in just one click. Ngunit lumabas sa isang pag-aaral na ang labis na pagkahumaling sa online shopping ay maituturing na mental disorder.

Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinaliwanag ng psychiatrist na si Dr. Ernest Francis Nora, na Compulsive Buying Disorder ang tawag dito, na may kaakibat na sakit na depression, anxiety o bipolar disoder.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Dr. Nora, masaya sa una ang pakiramdam ng mga hindi mapigil ang sarili sa pagbili, hanggang sa makararamdam sila ng pagiging guilty o embarrassed. At dahil sa stress, maiisipan na naman nilang bumili.

Panoorin ang ginawang pagtutok ng "KMJS" kung ano ang mga maaaring gawin para mabawasan o mapigilan ang sarili sa pag-o-online shopping.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News