Matatagpuan sa mga mabatong bahagi ng dalampasigan ng Pangangan Island sa Calape, masarap ichicharon at pinupulutan pa ng mga Boholano ang shellfish na Takugan.
Sa "Pinas Sarap," makikita na ginagamitan ng kutsilyo ang pag-alis sa mga Takugan dahil sobra silang nakadikit sa mga bato.
Pagkahuli, pakukuluan ang mga Takugan para matanggal ang kanilang shell, saka ibibilad ng dalawang araw at piprituhin para maging chicharon. — Jamil Santos/DVM, GMA News
