Mula sa mahimbing na pagkakatulog, nagising sa napakainit na bagong pakulong tubig na ibinuhos sa mukha at katawan si George.  Sa ospital, nakita ang matinding pinsala na kaniyang inabot na halos ikamatay niya. Ang pinaghihinalaan niyang may gawa nito, ang sarili niyang asawa.

Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," inihayag ni George na ang pagiging istrikto niya sa pamilya ang posibleng dahilan kaya ginawa sa kaniyang iyon ng kaniyang asawa. Ang misis naman niya, idinahilan na hindi niya sinasadya at aksidente lang ang nangyari.

Dahil sa matinding hirap na kaniyang dinanas, mapatawad pa kaya ni George ang kaniyang asawa o itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso upang maipakulong ang kaniyang misis? Panoorin ang kaniyang pasya sa video na ito.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News