Nakararamdam ka ba ng burning sensation sa dibdib, pangangasim sa lalamunan pagkatapos kumain, at tila nasusuka kapag nakahiga? Huwag 'yan basta balewalain dahil baka sintomas na 'yan ng Gastroesophageal Reflux Disease o GERD, kung saan umaakyat sa lalamunan ang asido mula sa sikmura.

Sa programang "Pinoy MD," tinalakay ang mga pagkain at mga gawi na maaaring magdulot o magpalala sa GERD, na kung pababayaan ay maaaring mauwi sa Esophagitis o pamamaga at pagdurugo ng esophagus, at tuluyang humantong naman sa cancer.

Panoorin ang video at alamin ang mga pagkain na maaaring magdulot ng GERD, at ano ang tamang posisyon sa pagtulog upang hindi umakyat ang asido sa sikmura patungo sa lalamunan.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News