Bukod sa pagiging "Surfing Capital of the Northern Philippines," maraming maitatampok ang La Union na magagandang pasyalan at activities sa mga turista para sa summer. Hindi mawawala rito ang kababalaghan at ghost hunting na tinatawag na "kararua tour."
Sa programang IJuander, sinabing ang "karurua" ang salitang Ilocano para sa kaluluwa.
Para sa Kararua tour, may mga gagabay na mga feng shui expert at psychic at lilibutin ang mga makasaysayang lugar sa La Union na nababalot din ng misteryo.
Ilan sa mga ito ang mga abandonado nang Cresta Del Mar Hotel at Cresta Ola Beach Resort na naitayo pa noong 1970s.
Ngayon, hindi na mga turista at guests ang nananatili sa resort, kundi mga ligaw na kaluluwa at iba pang hindi maipaliwanag na elemento.
Ang That's My Bae na si Miggy Tolentino, susubukan sa unang pagkakataon ang Kararua Tour. Kayanin kaya niya ang misteryong nababalot sa mga abandonadong resort na ito? Panoorin.
— Jamil Santos/DVM, GMA News
