Sa isang tribu sa Palawan, karaniwan na raw na makakita ng mga batang babae na kahit 13-anyos pa lang ay buntis na. Pinapayagan kasi sa tradisyon ng naturang tribu na ipagkasundo ang mga babae kahit bata pa lang sa mga lalaking mas matanda ang edad sa kanila.

Bukod sa pagpayag na ikasal ang mga babae kahit wala pang 18-anyos, pinapayagan din ang lalaki na mag-asawa ng higit sa isa. Kaya ang isang lalaki sa naturang tribu, pinakasalan ang dalawang babae-- na magkapatid.

"Mas gusto ko po sana mag-asawa kasi po para may mag-alaga ng anak ko," sabi ng dalagitang itinago sa pangalang Minnie, na 12-anyos lang nang ikasal.

Ngunit ano nga ba ang peligro sa kanilang tradisyon sa mga batang babae na maaagang ikinakasal at nabubuntis? May paraan ba upang baguhin ang nakagisnang tradisyon ng isang katutubo? Tunghayan ang kuwento ng batang ina sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News