May kasabihan na ang mga anak ang maglilibing sa kanilang mga magulang. Kaya naman walang kasingsakit para kina Minda at Vanessa, ang biglang pagpanaw ng kani-kanilang mga anak na sina Babajie at John.

Tunghayan sa video na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho" ang pagbabahagi ng kanilang mga kuwento sa sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT

Si John na mayroon autism, hindi kaagad nalapatan ng kaukulang lunas sa kaniyang sakit sa puso dahil kailangan pang hintayin ang resulta ng kaniyang COVID-19 test.

SI Babajie naman na pumanaw sa sakit na tuberculosis at malnutrition, hindi naiwasan na paghinalaan na may kaugnayan sa COVID-19 ang kaniyang pagkawala. Panoorin.

--FRJ, GMA News