Inanunsiyo nitong Martes ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatutupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna at Cebu City dahil nananatiling mataas ang panganib na kumalat pa rin ang COVID-19. Pero ano nga ba ang mababago sa MECQ sa ipinatutupad na ECQ? Alamin.
Bukod sa Metro Manila, isasailalim din sa MECQ ang lalawigan ng Laguna at Cebu City, simula sa Mayo 16 hanggang 31.
Sa ECQ, nakasaad na:
*Manatili sa bahay ang mga tao, anuman ang edad at lagay ng kalusugan;
*Limitado ang economic activity maliban sa utility services tulad ng pagkain, power and water at critical economic sector;
*Walang transportation activity maliban sa utility services; at
*Suspindido ang physical classes.
Sa Modified ECQ:
*Limitado ang paggalaw sa loob ng containment zone para sa essential services and work;
*Papayagan ang operasyon ng ilang piling manufacturing at processing plants na may maximum na 50% workforce;
*Limitadong transporting services para sa essential goods and services; at
*Suspindido pa rin ang physical classes.
WATCH: Alamin naman ang kaibahan ng ECQ vs GCQ
Ang mga lugar na mababa na ang panganib sa pagkalat ng COVID-19 ay isasailalim sa general community quarantine; habang ang mga lugar na itinuturing "low-risk" ay aalisin na sa ECQ o GCQ.
Ang mga lugar na isasailalim sa GCQ o general community quarantine simula sa May 16 ay ang:
a. Region II
b. Region III
c. Region IV-A except Laguna
d. CAR
e. Region VII except Cebu City
f. Region IX
g. Region XI
h. Region XIII (CARAGA)
Ang mga lugar na aalisin na sa GCQ at ECQ ay ang:
a. Region I
b. Region IV-B
c. Region V
d. Region VI
e Region VIII
f. Region X
g. Region XII
h. BARMM. — FRJ, GMA News
