Hindi inakala ni nanay Shirly na ang pagsalo niya sa isang bata ang magiging simula ng matinding pananakit ng kaniyang likod na sa sobrang sakit ay naiisip na raw niya minsan na sumuko.

Dahil hindi makahiga bunga ng bukol sa likod na nagpapahirap sa kaniyang kondisyon, kailangan ni nanay Shirly na magpagawa ng sabitan na kumot na itinali sa kisame para maisabit niya ang kaniyang sarili upang kahit papaano ay makaidlip at guminhawa ang kaniyang pakiramdam.

Ngunit ano nga ba ang bukod na nagpapahirap sa kaniya at may pag-asa pa kayang malunasan ang kanilang kalagayan? Tunghayan ang nakaaantig na kalagayan ni nanay Shirly sa video na ito. Panoorin.

--FRJ, GMA News