Sa edad niyang walo, nasa 30 pulgada lang ang taas ni Derk na pangarap maging pulis at sundalo para makatulong sa pamilya at sa kapwa. Ngunit dahil sa kaniyang kondisyon na nakaapekto sa kaniyang pangangatawan, hirap siyang maglakad.

Sa kabila ng kaniyang kalagayan, masayahin at maasahan sa mga gawing bahay si Derk. Larawan din siya ng isang mapagmahal at magalang na anak.

Kung minsan ay nabibiktima din siya ng pambu-bully pero lagi niyang nasa tabi at kakampi ang nakababata niyang kapatid na babae.

Ano nga ba ang sanhi ng pagkakabaluktot ng mga buto ni Derk? Tunghayan ang nakaaantig niyang kuwento sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News