Hindi naging hadlang para sa conjoined twins na sina Joy at Joyce ang kanilang kondisyon para maipakita ang kanilang talento at makapagbigay ng inspirasyon online.

Sa video ng programang "Brigada," sinabing hindi na ipinaopera ng kanilang mga magulang ang kambal na magkadikit ang mukha dahil sa pangambang magkaroon ng komplikasyon at mawala ang isa sa kanila.

ADVERTISEMENT

Ngayong mga dalagita na ang kambal, naghahatid na rin sila ng saya at good vibes sa kanilang mga follower sa Tiktok, kasama ang isa pa nilang kapatid.

Tunghayan kanilang kuwento sa video at lalo pang kilalanin ang kambal.  Panoorin.


--FRJ, GMA News