Sa programang "Pinoy MD," sinagot ni Dr. Raul Quillamor ang mga katanungan ng mga kababaihan tungkol sa kanilang kalusugan, tulad ng kung may kinalaman ang stress sa pagkakaroon ng iregular na buwanang "dalaw" o regla.

Ayon kay Dr. Q, dapat na balanse ang progesterone at estrogen tuwing menstruation.

ADVERTISEMENT

Ngunit kapag stressed ang isang babae, mataas ang kaniyang estrogen na nagdudulot ng irregularity. Nagreresulta ito ng pagregla kada dalawa o tatlong buwan, na minsan ay sobrang malakas, o sobrang hina.

"Malaki ang kinalaman ng stress sa menstruation kasi stress itself is a very potent stimulus for hormonal imbalance," sabi ni Dr. Q.

"Kailangan talaga natin ng stressless life, stress-free, at kailangan talaga natin ng healthy living," dagdag niya.

Samantala, nilinaw din ni Dr. Q na walang kinalaman ang pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS) sa menstrual cramps.

Alamin ang buong pagtalakay sa naturang usapin sa video sa itaas.

--FRJ, GMA News