Anim na dekada na ang nakararaan nang biglang maglaho na parang bula si lolo Guillermo at naiwang nag-iisip ang noo'y nobya niyang si lola Avelina. Pero ngayong mga lolo'y lola na at parehong wala na rin ang kani-kanilang mga napangasawa, may maramdaman pa kaya silang pag-ibig sa muli nilang pagkikita?

Para kay lola Avelina, hindi madaling kalimutan ang kaniyang unang pag-ibig na si lola Guillermo na apat na taon niyang naging karelasyon.

Hindi naman kataka-taka ito dahil ikinuwento naman ni lolo Guillermo kung gaano niya minahal at iginalang si lola Avelina, na itinuring niyang sampaguita na malinis at mabango kapag iniharap niya sa dambana.

ADVERTISEMENT

Iyon nga lang, sadya yatang may mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana dahil biglang lumayo si lolo Guillermo at naiwang nag-iisip si lola Avelina kung ano ang dahilan.

Kaya kahit nagkaroon na si lola Avelina ng asawa at magkapamilya, hindi pa rin nawala sa isipan niya ang lalaking una niyang minahal.

Pero the feeling is mutual din naman pala kay lola Guillermo dahil sumasagi rin sa isipan niya ang babaeng kaniyang minahal kahit nakabuo na rin siya ng sarili niyang pamilya.

Ngayon kapwa malaya na dahil yumao na ang kani-kanilang mga asawa, magkaroon kaya ng book 2 ang kanilang love story? Panoorin ang kanilang kuwento sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News