Sa isang isla sa Surigao, mayroong bakasyunan na tiyak na sulit ang P5,000 na bayad sa per night sa kanilang floating villas dahil sa ganda ng tanawin.

Bawat villas na magkakahiwalay na parang naka-social distancing, may kaniya-kaniyang private jacuzzi na napalilibutan ng salamin kaya tanaw na tanaw ang asul at napakalinaw na tubig sa labas.

ADVERTISEMENT

Pero bukod sa napakagandang bakasyunan, mapapa-wow ka rin sa ganda ng patong-patong na talon sa lalawigan.

Kung saan at paano mapupuntahan ang mga "instagramable" na pasyalan, panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News