Matapos ang magtagumpay na weight loss journey ng 43-anyos na si Artpaul, isa naman sa kinahaharap niyang problema ang loose skin o ang balat na tila lumaylay nang siya ay pumayat. Ano nga ba ang dahilan nito at paano ito maiiwasan?

Sa programang "Pinoy MD," ibinahagi ni Artpaul Sison na bata pa lang siya ay chubby na talaga siya.

Kaya naman daw naging tampulan siya ng tukso at diskriminasyon. Sa kaniyang paglaki, lalo ring lumobo ang kaniyang katawan na umabot sa 360 pounds.

Pero naging turning point ni Artpaul para seryosohin ang pagbabawas ng timbang ay nang maglabasan na ang mga sakit na may kaugnayan sa sobrang katabaan.

Na-diagnose na may gout, fatty liver, diabetic, at high blood. Batid ni Artpaul na mamamatay siya nang maaga kung hindi siya magbabago ng lifestyle.

Kaya naman simulan niya ang one meal diet a day kung saan may isang oras siyang palugit para kumain, at fasting naman sa loob ng 23 oras.

Sinabayan din niya ito ng workout. Pagkalipas ng tatlong taon, nagbunga ang kaniyang sakripisyon at naibaba niya ang kaniyang timbang sa 180 lbs.

Pero sa pagkawala ng mga taba ni Artpaul, may mga balat siya sa katawan na tila lumaylay. Bakit nga ba ito nangyayari sa mga nababawas ng timbang at paano ito maiiwasan? Panoorin ang video ng "Pinoy MD."

--FRJ, GMA News