Agaw-pansin sa mga tao ang isang uri ng alimango sa Digyo Island sa Leyte dahil sa kakaiba nitong kulay na purple o ube. Kumusta naman kaya ang lasa nito?
Sa nakaraang episode ng “Biyahe ni Drew,” sinabing matatagpuan sa Digyo Island, na isa sa tinatawag na “Cuatro Islas,” ang kakaibang alimango na kung tawagin ay Alikway dahil sa matingkad nitong kulay na ube.
Kabilang sa luto ng Alikway ang mala-relyeno [may palaman] na may gata, at sinasamahan din ng luya.
Kung maganda man sa paningin ang Alikway, kumusta naman kaya ang lasa kapag niluto? Panoorin ang video ng “Biyahe ni Drew.” – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
