Kinasahan ni Kara David ang tradisyunal na pangingisda sa Guimaras Island na “Lambaklad,” kung saan gumagamit ang mga mangingisda ng malalaking lambat na nakakabit sa mga kawayan o posteng nakatusok sa dagat.
Sa nakaraang episode ng Pinas Sarap, ipinaliwanag ni Kara na karaniwang iniiwan sa magdamag ang Lambaklad para makahuli ng mga isda kada umaga kapag low tide.
Paliliitin ang lambat para mas madaling mahuli ang mga isda na na-trap o nakulong sa loob.
Sa paghuli niya ng mga isda, tanging trabaho ni Kara na siguruhing walang makakatakas na mga isda.
Ilan sa kanilang mga nahuli ang mga pusit, at isdang Tambarasang o Hardyhead silverside, at Alimasag o Kasag kung tawagin.
Tunghayan sa Pinas Sarap ang pagluluto ni Kara ng kinilaw na Tambarasang na kaniyang tinikman kasama ang mga mangingisda. Panoorin. – FRJ GMA News
