Bukod kay Kuya Wil, marami ang naaliw sa bibong grade 1 pupil na si Ineng nang sumali siya noon sa 'Willie of Fortune' ng "Wowowin."  Bagaman tama ang kahon na kanilang napili na naglalaman ng mega jackpot, hindi naman nila ito nakuha dahil pera ang kanilang pinili.

Kaya laking paghihinayang ng kaniyang pamilya dahil gipit sila at walang sariling bahay. Pagkalipas ng ilang buwan, kumusta na kaya si Ineng na dating nakikinood lang sa TV ng kapitbahay, at palipat-lipat ng matutuluyan.

Alamin ang kuwento ng kaniyang buhay sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News