Makaraan ang apat na buwan mula nang manganak, ipinakita na ni Solenn Heussaff ang anak nila ni Nico Bolzico na si Thylane Katana.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Solenn ng larawan nila ni Thylane.

"Best days at home getting to know your pure gentle soul. Te amo Thylane..... de tout mon coeur! Sorry @nicobolzico this is just a girls pica... you cant hang with us!," caption ng Kapuso star sa larawan.

 

 

May hiwalay na post si Solenn sa kaniyang IG Story na kasama ang baby na nilagyan niya ng caption na:"I'll only share you sometimes. My little happy pill."

Kasabay ng pagsalubong sa 2020 nang isilang ni Solenn si Thylane.--FRJ, GMA News