Nag-reunite ang mga sikat na "That's Entertainment" love teams noong 80's na tinawag nilang "That's Quarantainment!" para handugan ang netizens ng isang throwback music video ngayong panahon ng enhanced community quarantine.

Muling pinakilig nina Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Keempee de Leon, Romnick Sarmenta, Monching Gutierrez, Sheryl Cruz at Tina Paner ang netizens nang awitin nila ang 80's hit na "Nothing's Gonna Stop Us Now."

Naging on-screen partner noon ni Manilyn sina Janno at Keempee, samantalang naging magka-love team sina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz. Nagkatambalan naman sina Monching at Tina.

Tinawag nilang "That's Quarantainment" ang kanilang collaboration, na mapapanood din sa Instagram ni Janno.

"This quarantine has given us all a chance to re-connect w old friends. So I invited some of mine for this and they all came through! Here's to all of us who get by with a little help from our friends," saad ng King of Soul.

 

 


--FRJ, GMA News