Pumanaw na sa edad na 35 ang komedyanteng si Babajie, na napapanood sa "Bubble Gang."

Si Babajie, o Alfredo Cornejo Jr. sa tunay na buhay, ay pumanaw nitong Lunes dahil umano sa tuberculosis at malnutrition, ayon sa kaniyang ina.

Mahigit isang linggo na umanong may karamdaman si Babajie, na nakilala dahil sa mahaba niyang baba.

Noong nakaraang taon, naitampok sa "Kapuso Mo Jessica Soho" ang kuwento ni Babajie at ang pagiging malapit niya sa Italian bae na si Ciro Tarallo.

ALAMIN: Babajie, nakabingwit ng Italyanong guwapo?

Pero nilinaw nila na walang romantikong ugnayan na namamagitan sa kanila.

Nagdadalamhati naman si Ciro sa pagpanaw ng kaniyang kaibigan.

"Goodbye is not forever. Goodbyes are not the end. They simply mean I'll miss you. Until we meet again," saad ni Ciro sa Facebook post. --FRJ, GMA News