Sa gitna ng nararanasang pandemic, inilabas at kinumpirma ng US Department of Defense ang mga video tungkol sa mga Unidentified Flying Object o UFO na nakuhanan sa kanilang bansa. At ilang araw bago nito, may isa na naman daw UFO na na-videohan sa California.

Pero hindi lang sa Amerika may sinasabing mga UFO na umano'y nakikita kung hindi maging dito sa Pilipinas. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" tungkol sa umano'y mga UFO, at alamin ang pahayag dito ng ilang eksperto.


--FRJ, GMA News