Hindi man magiging magarbo ang pagdiriwang ng ika-limang taong anibersaryo ng "Wowowin" sa darating na May 10 dahil sa pag-iingat kontra sa COVID-19, inihayag naman ni Kuya Wil na magiging bongga ang kaniyang papremyo na dalawang house and lot ng Lessandra. 

Alamin kung ano ang iba pang mapapanalunan sa anniversary special ng Wowowin at kung papaano makasasali sa pamamagitan pa ng "Tutok To Win."


--FRJ, GMA News