Sa gitna ng pagsubok na dulot ng COVID-19 pandemic, makikita ang malasakit at pagtutulungan ng mga Pilipino. At sa ating gagawing pagbangon, sama-sama pa rin tayo at walang dapat na maiwan.

Tunghayan sa video na ito ang awiting "Pagbangon," ni Julie Anne San Jose, at nawa'y maghatid ng inspirasyon at pag-asa para sa isang bayan na sama-samang aahon sa krisis na ito. --FRJ, GMA News