Kung boses at boses lang ang pag-uusapan, kayang-kaya ng isang electrician sa San Fernando, Cebu ang maging isang DJ o radio announcer. Pero ang kaniyang pangarap, hindi natupad dahil sa kinapos siya ng pinag-aralan.

Alamin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ng buhay at pag-ibig ni Charlito Villaver, na kinagigiliwan ng mga tao dahil sa kaniyang boses na pang-DJ.

Kuwento niya, mag-aaplay sana siya noon bilang DJ pero hindi niya itinuloy dahil hindi siya natapos ang kolehiyo na isa sa mga requirement sa papasukan sana niyang kompanya.

Kaya naman sa ngayon, idinadaan muna niya sa pagpapatawa sa social media ang kaniyang magandang boses habang pinaghahandaan na muling maabot ang kaniyang pangarap na maging DJ.

Samantala, kinagiliwan din ng netizens ang mag-inang Inka at Lindy, na pamilyar ang boses sa mga madalas sumakay sa eroplano dahil sila ang tinig sa likod ng safety videos ng isang airlines.

Kuwento ni Lindy, nang pag-aplayin siya bilang tinig sa safety videos ng isang airlines, walang kamalay-malay ang mga tao sa kompanya na ina niya ang dating nagbigay ng tinig sa kanilang safety videos.

At Leyte naman, kilalanin si Contessa, ang 'diumano'y nanggagaya sa kaniyang idolong si Jessica Soho. Panoorin ang video.
 
--FRJ, GMA News