Parang apoy na mabilis na kumalat noong 2011 ang balita tungkol sa tatlong-taong-gulang na babaeng si Emma sa San Jose, Antique, na nakalilikha raw ng apoy kapag nagagalit o sa pamamagitan lang ng kaniyang isip. Pagkaraan ng halos isang dekada, alamin ang kalagayan ngayon ni Emma na isa nang dalagita.

Minsan na rin naitampok sa "Kapuso, Jessica Soho" ang kuwento ni Emma noong bata pa siya. Dahil sa pinaniniwalaang kakaibang abilidad niya, ilang gamit sa kanilang bahay ang nasunog, at maging sa loob ng simbahan noong binyagan siya.

Binalikan ng team ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang tinitirhan ni Emma. Kuwento ng kaniyang ina, naging masasakitin si Emma habang lumalaki, hindi naging palakibo at hirap sa pag-aaral.

Ang isang pastor na nag-alaga naman noon kay Emma, may napansin daw sa bata kaya kasama niya. Pero nangyayari pa rin kaya ngayon ang sinasabing insidente ng pagkasunog na hinihinalang nagagawa sa pamamagitan ng isip ni Emma? Alamin ang kasagutan sa video na ito ng "KMJS."


--FRJ, GMA News