Hinamon ng Kapuso actress na si Aiko Melendez ang isang netizen na patunayan ang sinasabi nito na mayroong sex scandal ang anak niyang si Andre Yllana. Si Andre, sumama rin sa hamon ng kaniyang ina.

Ngayong Lunes, June 22, ni-repost ni Aiko sa Facebook ang screenshot ng tweet ng netizen na may username na @jakolinks, na nagsasabing mayroon daw itong hawak na video scandal ni Andre.

Ayon pa sa nag-post, ilalabas niya ang video kapag umabot sa 25,000 ang followers niya.

Sa Facebook live ng mag-ina ngayon ding araw, sinabihan ni Aiko ang Twitter user na huwag manira ng kapwa lalo na kapag wala namang masamang ginawa sa kanya.

Mensahe ng aktres, "Kung meron kang hang-ups sa buhay mo, huwag mong ipasa sa ibang tao.

"Kung may sakit ka man o hindi ka tinuruan sa pag-iisip mo, think before you click.

"Kasi alam mo ngayon, hindi lang dapat pinu-post mo, iniisip mo kasi puwede mo ikapahamak 'yan. Puwede mo ikapahamak 'yan."

Na-screenshot na raw lahat ni Aiko ang mga post ng netizen.

Posible raw magsampa ng reklamo ni Aiko upang protektahan ang 21-anyos na anak nila ng dating asawa na si Jomari Yllana.

Hinamon din ng aktres ang netizen na lumantad at ilabas ang umano'y sex scandal ni Andre.

Ayon kay Andre,  alam ng kaniyang ina ang lahat ng kaniyang ginagawa.

Kaya naman laking gulat daw ni Aiko na may ganong tsismis na sinasabi laban sa kaniyang anak.

Ayon pa kay Andre, mga lumang larawang ang ginamit ng netizen mula sa kaniyang dating Instagram account na hindi na raw niya hawak mula pa noong taong 2017.--For the full story, visit PEP.ph