Nitong nakaraang Hunyo 11 nang mapansin ni Marla at mga kasama niya sa bahay ang butil-butil na tubig na tila pawis sa mukha, leeg at kamay ng imahen ng Sto. Niño. Isa nga kaya itong himala? Alamin.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ikinuwento ni Marla na iniuwi niya sa bahay ang Sto. Niño mula sa kaniyang parlor na nagsara dahil sa epekto ng krisis na dulot ng COVID-19.

Itinuturing pampasuwerte ni Marla ang imahen na regalo daw sa kanila ng kanilang manager. Tila buhay nga raw ang Sto. Niño kapag kanilang pinagmamasdan dahil parang sinusundan sila ng tingin nito.

Hanggang nitong Hunyo 11, napansin nila ang tila pagpapawis ng imahen na tumagal ng dalawang araw. Ang pawis, pinapaniwalaan nilang nakagagaling ng sakit kapag ipinahid sa bahagi ng katawan ng taong may karamdaman, tulad ng anak mismo ni Marla.

Para alamin kung tunay na pawis ang nakita sa Sto. Niño, pumayag si Marla na masuri ng mga eksperto ang imahen. Panoorin ang video at alamin ang kanilang natuklasan.


--FRJ, GMA News