Isa na namang biik ang isinilang na mistulang dalawa ang mukha sa nag-iisang ulo. Magkahiwalay ang nguso nito at tatlo ang mata.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, isinilang ang biik sa Siargao Island, Surigao del Norte.

Kuwento ng may-ari ng biik, nagulat siya nang makita ang hitsura ng biik na pang-siyam na mga biik naisinilang ng kaniyang inahing baboy.

Sahil sa maselan umano ang kalagayan ng biik, kailangan siyang padedehin sa pamamagitan ng botelya.

Kamakailan lang, may katulad na biik na isinilang sa Iloilo at Ilocos Norte.

LOOK: Buhay na biik sa Ilocos Sur, 2 ang mukha pero isa ang ulo

Ayon sa ilang beterinaryo, dalawang biik na hindi nakompleto ang development ang nangyari sa mga ganitong biik na dalawa ang mukha.

Maliit din daw ang tiyansang mabuhay nang matagal ang mga biik na may ganitong kondisyon.--FRJ, GMA News