Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang isang guwapo at machong artista na katulad ni Jak Roberto ay mangangamoy-suka kapag pinagpawisan sa harap pa man ng kaniyang magandang nobyang si Barbie Forteza.

Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, ipinakita ni Jak ang ginawa niyang paghahanda ng suka na inilagay niya sa bottle spray bago siya pumunta sa bahay ng kaniyang nobya na kaniyang ipa-prank.

ADVERTISEMENT

Kaya bago pumasok ng bahay, nag-spray muna si Jak ng suka sa kaniyang katawan.

Kaagad naman itong napansin ni Barbie pero deadma muna sa simula dahil sa gagawin nilang workout.

Pero nang magtimpla ng kape si Barbie, muling palihim na nag-spray ng suka si Jak at doon na unti-unting nagpahaging ang aktres tungkol sa kaniyang naamoy na 'di kaiga-igaya.

Nagkunwari namang nagtampo si Jak bunga ng kaniyang amoy kaya lumabas ng bahay ang binata para hintayin kung susunod sa kaniya ang nobya.

At nangyari nga ang kaniyang inaasahan. Panoorin ang nakatutuwang eksena ng dalawa sa video . --FRJ, GMA News