BABALA, MASELAN ANG VIDEO:

Uso ngayong lockdown ang mga "mukbang" o video na ipinapakita ang paglantak nila sa mga pagkain. Pero si Ronnie, hindi lang pang-content sa Youtube ang kakaiba niyang "mukbang" o pagkain ng mga buhay na insekto tulad butiki, ipis, at uod.

Kilalanin at alamin sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung ano ang nagtulak kay Ronnie na lantakan ang mga buhay na insekto. Ipinaliwanag din ng eksperto ang mga posibleng peligrong mangyari sa kaniyang kalusugan dahil sa kaniyang ginagawa. Panoorin.

--FRJ, GMA News