Nagtamo ng malaking pasa sa bandang tuhod si Maine Mendoza nang aksidente siyang mahulog sa set ng "Eat Bulaga."

Sa video na ini-upload mismo ni Maine sa Twitter, makikitang nakaupo siya sa tila bakod sa set nang dumausdos siya at mahulog.

 

ADVERTISEMENT

 


Kaagad naman umalalay sa kaniyang si Paolo Ballesteros at iba pang staff ng programa.

Wala namang dapat alalahanin dahil tinawanan lang ng TV host-actress ang nangyari sa kaniya pero aminadong siyang masakit ang tinamo niyang pasa.

 


May video rin siyang nagpapakitang maayos naman ang kaniyang tuhod.--FRJ, GMA News