Kahit galing sa mahirap na pamilya, nagsisikap sa pag-aaral si "Jay," hindi niya tunay na pangalan. Katunayan, with honors nang magtapos siya sa high school. At ngayon papasok na siya sa kolehiyo, problema niya kung saan kukuha ng pambili ng gamit para sa online schooling lalo pa't mas nabaon sa hirap ang kaniyang pamilya dahil sa pandemya.

Kaya naman sa kagustuhan niyang maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo, naisipan ni “Jay” na pasukin ang mundo ng "alter" sa social media para makaipon ng pambili niya ng laptop.

ADVERTISEMENT

Ano nga ba ang kakaibang kalakaran na ito ng "alter" at hanggang saan ang kayang gawin ni Jay? Tunghayan ang kuwentong ito ni Jay sa video ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


--FRJ, GMA News