Isang kambing na mukha raw unggoy ang isinilang sa Sarrat, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Tila raw walang nguso ang guya o batang kambing, na ipinagtataka naman ng may-ari nito.

Pumanaw ang kambing tatlong araw matapos itong isilang. —KBK, GMA News