Sa Maripipi Island, Biliran, nagiging perwisyo raw sa mga magsasaka ang mga unggoy dahil kinakain ng naturang hayop ang kanilang mga tanim, pati na ang bunga ng niyog.

Kabilang sa mga madalas daw na maging biktima ng mga unggoy ay ang magsasakang si Jeff na naisipang maglagay ng pain upang mahuli ang mga hayop.

Hanggang sa isang araw, may nahuling unggoy sa kaniyang pain pero nang titingnan na niya ay nakawala ito at nanlaban sa kaniya.

Bukod sa nakagat si Jeff, nakuha pa raw ng unggoy ang kaniyang karit o patalim at inundayan siya nito ng taga.

Alamin kung ano ang nangyari kay Jeff at kung nahuli pa ba ang unggoy na nanlaban sa magsasaka. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News