Naisipan kamakailan ni Stephanie at dalawa pa niyang kaibigan na mag-jogging sa hapon sa dalampasigan ng Lagonoy Gulf sa San Jose, Camarines Sur. Pero nang mag-picture taking sila, may kakaibang pangyayaring naganap na hindi lang nagpatayo sa kanilang balahibo kung maging ang hibla ng kanilang buhok.

Noon una, sinabi ni Stephanie sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" na hindi niya pinansin nang mapuna ng kaibigan niya na nakataas ang kaniyang buhok dahil sa akalang dulot lang ito ng hangin.

Pero nang mapansin nilang hindi hangin ang nagpapataas sa kanilang buhok, nakaramdam na sila ng takot kaya kumaripas na sila ng takbo palayo sa lugar at patungo sa maraming tao.

Ang kakaiba nilang karanasan na iyon, tumagal daw ng may kalahating oras.

May misteryo nga bang naganap kina Stephanie sa naturang lugar o kaya itong ipaliwanag ng siyensiya?

Alamin ang paliwanag dito ng isang dalubhasa sa physics at tunghayan din kung ano ang nangyari nang muling bumalik sa naturang lugar sina Stephanie? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News

--FRJ, GMA News