Noong nakaraang linggo, ipinalabas sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ng isang ina na hinahanap ang anak niyang ipinaampon noong sanggol pa lang; at ang babaeng si Ana,  na ipinaampon noon at hinahanap naman ngayon ang kaniyang tunay na ina pagkaraan ng mahigit 30 taon.

WATCH: Inang hinahanap ang ipinaampon na anak, at anak na hinahanap ang tunay na ina, magkita na kaya?

Nagkaroon ng pagkakataon si Ana na hanapin ang kaniyang tunay na ina sa pamamagitan ng isang "family clan" sa Facebook. Doon na niya nakausap ang isa pang anak na babae ni Ella, na kamukhang-kamukha niya.

Pero may ilang detalye sa impormasyon ni Ana na hindi tumutugma sa kuwento ng noo'y siyam na buwan na gulang na anak ni Ella. Kaya naman para matiyak kung anak nga ni Ella si Ana, tinulungan sila ng "KMJS" na sumailalim sa DNA test at nitong Linggo at inihayag na ang resulta--match.

Tunghayan sa video ng "KMJS" ang nakaaantig na pagkikita ng mag-inang Ella at Ana sa unang pagkakataon mula nang magkawalay sila mahigit 30 taon na ang nakalilipas.

At sa unang pagkakataon din, nagkausap ang magkapatid na sina Ella at si Celsa, ang sinasabing nagpa-ampon kay Carla, na ngayon ay si Ana na. Magkapatawaran na rin kaya ang magkapatid? Panoorin. --FRJ, GMA News