Laking gulat at tuwa ng isang lalaki sa Iloilo na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic at nagpunta sa kaniyang tiyahin para mangutang ng pambili ng bigas nang malaman niyang si Willie Revillame ang kaniyang kausap sa telepono.

Sa una kasi, inakala niyang kumpare niya ang tumawag sa kaniya at nagkumustahan sila. Ipinaalam din ng lalaki na napag-alaman na ballroom dancer na wala siyang trabaho ngayon.

ADVERTISEMENT

Kaya naman laking gulat niya nang malaman niyang si Kuya Wil ang kausap niya sa telepono, at nanalo pa siya ng P30,000.

Dahil sa pambihirang pagkakataon na dumating sa kaniya ang biyaya, sinabi ng lalaki na hulog ng langit si Kuya Wil. Panoorin ang nakatutuwang tagpo. --FRJ, GMA News