Laking gulat ng ilang namimili sa isang supermarket sa North California noong nakaraang linggo nang may makasabay silang kakaibang "parokyano"--isang oso.

Sa ulat ng Reuters, sinabing nangyari ang insidente noong Agosto 25 sa Kings Beach Safeway sa Lake Tahoe.

Ang kakaibang shopping experience ay nakuhanan ng video ni Rubi Nevarez at iniupload niya sa social media.

“We were just calmly arriving at the store. I didn’t even imagine what we were going to find,” sabi ni Nevarez.

 

 

Ayon pa kay Nevarez na ibinahagi ang kaniyang video sa Reuters; “As far as I know, this is the second time this has happened.”

Iniulat ng local media na isang oso rin ang nagpunta sa naturang tindahan noong Agosto 18 at umalis na may bitbit na isang bag ng tortilla chips.

Hindi malinaw kung ano ang hinahanap ng oso pero tahimik naman daw itong lumabas.

May nakita rin na tila nasa bibig ng oso.

“The bear went out by itself after seeing all the commotion he caused,” ani Nevarez. -- Reuter/FRJ,GMA News