Kabilang si Roxanne sa mga kumasa sa nauusong dance challenge na "It Really Hurts." Pero nang i-post na niya ang kaniyang TikTok video, marami ang nakapansin sa tila maliit na misteryosong nilalang na nagtatago sa likod ng puno.

Nang ipasuri sa isang multimedia specialist ang video, wala siyang nakitang indikasyon na minanipula ang video.

Hinala niya, posibleng basura lang na nakapatong sa plastic ang misteryosong "nilalang" na nakita sa video at "nadaya" lang ng imahinasyon ang pagkakahugis nito na tila maliit na tao.

Pero ang isang spirit questor na nagsiyasat sa lugar, naniniwalang "elemental" na tagabantay ng kalupaan ang nakuhanan sa video.

At nang sabihin ng spirit questor ang posibleng mensaheng dala ng "elemental," naging emosyonal si Roxanne dahil nalaman nito ang sikreto niya tungkol sa kaniyang anak. Panoorin ang video ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
 

--FRJ, GMA News

Tags: