Sa group chat ng magkakaibigan nagkakilala sina Richelle at ang Special Action Force member na si  Joebert. Ang pagiging magkaibigan, nauwi sa ibigan. At makaraan ng higit na dalawang buwan na magkasintahan online, may isang pagkakataon na puwede silang magkita nang personal sa unang pagkakataon.

Ang tropa kasi ni Joebert, dadaan at sandaling titigil sa bayan ni Richelle sa Zamboanga bago sila madestino sa malayong probinsiya.

Kaya naman pinakiusapan ni Joebert ang nobya na sadyain ang lugar kung saan sila sandaling titigil at mayroon lang silang 10 minuto para magkita at magkausap nang personal sa unang pagkakataon.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang nakakikilig na love story nina Joebert at Richelle, at ang mga naging mala-"Crash Landing On You" na una nilang pagkikita. Panoorin.

--FRJ, GMA News