Isa sa mga pinakamalilinis na ilog sa buong Pilipinas, kinamamanghaan ang Hinatuan Enchanted River na matatagpuan sa Surigao del Sur. Ngunit sino nga ba ang babae sa likod ng ginagawang rebulto sa ilog na sinasabing sikreto raw sa taglay nitong ganda?

Sa programang "AHA!," ipinaliwanag ng eskultor na si Jo Barcena Jr., na ayon sa local elders, nakikita at nakakausap nila ang mga diwata noong unang panahon.

ADVERTISEMENT

Sinabi naman ni Milly Vios, acting ddministrator ng Hinatuan LGU, na noong unang panahon din, nagdadasal ang mga babaylan sa mga diwata sa Enchanted River para sila makapagpagaling.

Pinatotohanan naman ni Barcena na meron umanong healing powers ang ilog. Kaya naman bilang pag-alala sa mga babaylan ng sinaunang panahon, itinatayo niya ang isang rebulto ng babaylan na may taas na 33-ft.

Alamin ang kasaysayan ng Hinatuan Enchanted River at masdan ang kalinisan nito. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News