Ipinakita ng isang lalaki sa Guimaras ang pagiging malikhain ng mga Pinoy sa gitna ng pandemic nang gumawa siya ng bike gamit ang kahoy at ilang ni-recycle na materyales.

Pangarap daw talaga ng 32-anyos na si Jannifer Cabaya na magkaroon ng sarili niyang bike. Ngunit dahil kapos sa pera, naisip niyang maging madiskarte kaya gumawa na lang ng paraan upang makabuo ng bike dahil ang kahoy at ilang ni-recycle na gamit.

Tunghayan ang kaniyang kuwento sa ulat ni Izzy Lee sa online newscast na "Stand For Truth.--Jamil Santos/FRJ, GMA News

 

Tags: