Nagkaalaman ang mag-asawang sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi kung sino ang mga gusto nilang makarelasyon o magiging kaibigan lang kung single pa sila sa "Jojowain o Totropahin" Challenge. Si Zoren, mag-walk out kaya nang malamang gustong jowain ni Carmina si Ian Veneracion?

Ilan sa mga "jojowain" ni Zoren sina Aiko Melendez, Solenn Heusaff at Pia Wurtzbach.

Si Carmina naman, jojowain sina Ian Veneracion, John Lloyd Cruz, at Mayor Vico Sotto.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, pabirong nag-walk out si Zoren nang malaman niyang "jojowain" ni Carmina si Ian.

"Ayan ang sinasabi ko eh! Bakit hindi na lang kayo ang magkatuluyan? Kayo na ang maglaro diyan, 'yan ang sinasabi ko kaya ayoko maglaro eh!" biro ng Kapuso actor.

Di rin mapigilang sakalin ni Carmina ang asawa sa dami ng kaniyang babaeng gustong jowain. "Ang dami dami mong paligoy-ligoy 'yun pala jojowain mo lang," biro ni Carmina.

Ipinaliwanag ni Carmina kung bakit niya jojowain si Mayor Vico.

"So kunwari magka-age kami. Siya ang aming mayor dito sa Pasig and so far he's really doing a good job. Walang kaabog-abog jojowain," anang aktres.

"Wow, wow. Dahil diyan tatakbo akong mayor, maglalaban tayo," hirit naman ni Zoren.

Panoorin sa vlog ni Carmina kung sino naman ang kanilang magiging kaibigan lang. -- FRJ, GMA News