PAALALA:  May maseselang eksena sa video na ito.

 

Parang magkapatid na raw ang turingan ng magkaibigang April at Jessa ng Bislig City sa Surigao del Sur. Pero isang araw, sinugod ni April sa bahay si Jessa at doon na nangyari ang matinding pisikalan ng dalawa na umabot hanggang sa putikan.

Laging masaya noon kapag magkasama sina April at Jessa. Naiintindihan daw kasi nila ang isa't isa lalo pa't halos magkapareho rin ang kuwento ang kanilang buhay.

Ang mga magulang kasi nila, pareho ring hiwalay kaya mistulang naging sandigan nila ang isa't isa kapag may problema.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, may nadiskubre si April na ginawa raw ni Jessa na may kinalaman sa kaniyang nobyo na labis niyang ikinagalit.

Kaya naman sinugod ni April ang matalik na kaibigan para komprontahin hanggang sa maghalo na ang balat sa tinalupan.

Tunghayan ang episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" at alamin kung bakit humantong sa matinding away ang dating maituturing #friendshipgoal nina April at Jessa.

May pag-asa pa kayang magkabati ang dalawa at maibalik ang dati nilang samahan? Panoorin ang video.
 

--FRJ, GMA News