Dahil hindi biro ang maging guwardiya sa panahon ngayon ng pandemic, naisipan ni Niel na ipagpag ang pagod at gawing paraan ng exercise ang pagsasayaw. At dahil mahusay umindak, unti-unti na rin siyang nakikilala sa kaniyang TikTok videos.

Sa episode nitong Linggo sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," ibinahagi ni Niel na iniaalalay din niya ang kaniyang pagsasayaw para sa kaniyang lola sa Cebu na pinapanood ang kaniyang mga video.

Pero paano nga ba nangyari na naging mahusay sa pagsasayaw ang sikyu na si Niel?

Alamin ang kuwento ng kaniyang buhay at ang sorpresang dance challenge kasama ang kaniyang idol na isa ring TikToker na si Gardo Verzosa. Panoorin.

--FRJ, GMA News