Kabilang si Lyka sa napakaraming nahuhumaling sa paggawa ng TikTok video. At si Lyka, mas gusto raw mag-video sa gabi para walang istorbo pero magulat siya nang makita ang tila anino ng paa na sumulpot sa kanilang likod.

Giit ni Lyka, walang anumang imahen at wala rin siyang idinikit na kung anuman sa dingding na nasa kaniyang likuran nang gawin niya ang video. Kaya naman nagtaka siya nang makita ang umano'y paa.

ADVERTISEMENT

Pati ang kaniyang mga magulang, nagulat sa lumitaw na paa sa video. Pero noon pa man, mayroon na raw nagpaparamdam sa kanilang bahay, tulad ng anino at nilalang na umano'y nanggagaya.

Ang paranormal investigator, naniniwalang kapre ng paa ang nagpakita sa video. Pero ang isang video expert, iba ang nasa isip. Kung ano ito, tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


--FRJ, GMA News