Sa dami ng trahediyang naganap na ngayong 2020, marami ang nakikiusap na sana ay tama na. Pero tila hindi pa matatapos ang kalbaryo ng mga Pilipino batay sa mga nakikitang pangitaan ng mga psychic na sina Mamu at Jay Costura.

Sa nakalipas na mga buwan, sinasabing may mga sakuna at kalamidad na nahulaan ng dalawa bago pa man mangyari tulad ng pagputok ng bulkan, lindol at malalakas na bagyo.

ADVERTISEMENT

Pero paglilinaw nila, ibinibigay nila ang mga babala hindi para manakot kung hindi para makapaghanda ang mga tao.

At bago matapos ang taong ito, may nakikita pa raw silang mangyayari na hindi maganda, at may positibong predikyon na rin sila para sa 2021.

Bakit nga ba maganda ang inaasahan nila sa 2021 at ano pa ang delubyong puwedeng mangyari sa nalalabing dalawang buwan ng 2020 at saan ito magaganap? Panoorin ang video na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho."


--FRJ, GMA News