Ikinagulat ang kakaibang hitsura ng isinilang na tuta sa Mati City, Davao Oriental dahil tila mahaba ang leeg nito at hindi mawari ang mukha.

Sa ulat ng GMA Regional TV "One Mindanao" nitong Miyerkules, sinabi ang tuta ay walang mata, walang ilong, maliit bibig at walang kasarian.

Kapansin-pansin na maayos naman ang laki ng katawan ng tuta maliban sa parte ng kaniyang leeg at ulo.

Kaagad din namatay ang tuta dahil hindi makadede sa kaniyang ina.

Hinihinalang nagkaroon ng genetic defect ang hayop habang ipinagbubuntis ng ina.

Sa Tukuran, Zamboanga del Sur, isang biik naman ang isinilang na kakaiba naman daw ang hugis ng ulo at namatay din. --FRJ, GMA News