Marami ang napa-"sana all" nang makita ang Tiktok video ni Miss Everything na kasama ang 23-anyos na nobyong si Oliver Thomson. Ang dalawa, naging sandigan pala ang isa't isa nitong panahon ng pandemya.

Mula sa Calbayog, Samar, nakaramdam ng lungkot si Erika nang magkaroon ng lockdown sa kabila ng pagiging masayahin sa kaniyang mga video.

Upang makapaglibang, nahilig si Erika sa mobile games at nakilala niya sa group chat si Oliver na nasa Paranaque.

Sa kanilang paglalaro at pagcha-chat, nalaman nila na marami silang pagkakatulad sa buhay at pinalakas nila ang loob ng isa't isa sa panahong ito ng pandemic.

Pagkaroon ng tatlong buwan na long distance relationship, nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkita na nang personal nang lumuwas pa-Maynila si Erika.

Sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," ikinuwento ni Erika ang mga pangyayari sa unang pagkakataon na makita niya nang personal si Oliver, ang kauna-unahang niyang jowa.

At ano rin kaya ang magiging reaksiyon ng ina at mga kaanak ni Erika nang ipakilala na sa kanila si Oliver via video call. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News